Walang import, walang problema sa San Miguel Beermen.

Sa pangunguna ni two-time MVP June Mar Fajardo, naigupo ng all-Pinoy Beermen ang matikas na Alaska Aces, 106-103, kamakailain. Hindi nakalaro ang reinforcement na si AZ Reid dahil sa injury.

Tumapos si Fajardo na may kabuuang 37 puntos —ikalawang highest output kasunod ng kanyang career-high 43 puntos sa laban kontra rin sa Alaska noong Disyembre – para maisalba ang laban kontra sa Aces.

“We prove to them (doubters) especially mga locals na we can win without an import, that’s why we don’t have to rely on anyone but rely on the team and especially nakita niyo naman si June Mar, lumabas ang tunay na laro niya,” pahayag ni coach Leo Austria, patungkol sa dating University of Cebu standout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa kanyang ipinakitang import-like performance, nakamit ni Fajardo ang kanyang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week citation para sa buong linggo ng Agosto 22-28.

Tinalo niya sa parangal sina Ginebra players Japeth Aguilar at LA Tenorio, high-scoring guard GlobalPort na si Terrence Romeo at Meralco forward Cliff Hodge. (Marivic Awitan)