Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos si Malacañang Chief Protocol Officer Marciano Paynor Jr.

Inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga kay Paynor sa isang ambush interview kamakalawa ng gabi sa Heroes Hall ng Malacañang bago makipag-dinner sa mga sugatang sundalo.

Si Paynor ang napili ni Duterte na maging kapalit ni outgoing Ambassador Jose Cuisia, habang ang papalit naman bilang Chief Protocol Officer ay ang dating mediaman na si Robert Borje.

Sinabi ni Duterte na good choice si Paynor bilang susunod na ambassador sa Estados Unidos dahil matagal na rin itong nagsilbi sa foreign service. Si Paynor ay nagsilibi na rin bilang protocol chief nina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, bukod sa naging ambassador na din ng Pilipinas sa Cyprus at Israel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tubong Baguio City si Paynor at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1971. (Evelyn Quiroz)