DINUDUMOG ngayon sa lahat ng sangay ng Gandang Ricky Reyes salons ang mga serbisyong bukod sa makakaganda ng kutis ay nakakatulong pa sa mga karamdaman tulad ng high blood, sakit sa puso, rayuma, diabetes at marami pang iba. Ipapakita ng host ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) na si Ricky Reyes ang kainaman ng magnesium sa pamamagitan ng ‘healing facial treatment’ at ‘clean and cure’ therapeutic foot massage.

Pagdating sa talento, hindi nagpapahuli ang mga Pinoy at hindi kataka-taka kung makasungkit ng mga medalya sa iba’t ibang larangan. Katulad na lamang ng kakatapos na World Championship of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa California na ilan sa mga kababayan natin ang nagwagi at nag-uwi ng parangal sa larangan ng pag-awit.

Tubig na dalisay at puno ng mineral na galing pa sa Japan, gawa sa makabagong teknolohiya ay narito na sa ating bansa. Ipapakila ang Omizo Beautifying Water na hindi lamang magbibigay sigla sa katawan dahil ito ay nagpapaganda rin ng kutis.  

Sa ‘Showbiz Express,’ may bago na namang aabangan ang televiewers. Isang kuwentong magpapaantig sa inyong mga puso at magdudulot ng kilig, ang Someone to Watch Over Me sa GMA-7.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Lahat ng ito at iba pa sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado (Setyembre 3) 9-10 AM sa GMA NewsTV.