Patay na nang madatnan ng isang binatilyo ang sarili niyang ina sa loob ng kanilang tahanan sa Paco, Maynila nitong Lunes.
Dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan ni Adrian, 15, ang kanyang ina na si Amapola Cruz Mararac, 47, masahista, ng 1679 Interior 7, A. Linao Street, Paco, Maynila.
Una rito, napansin na umano ni Adrian ang panginginig at matinding pag-ubo ng kanyang ina dakong 3:00 ng madaling araw.
Gayunman, nakatulog na umano si Adrian at nang magising ay patay na ang kanyang ina.
Sa ulat ni Police Supt. Albert Barot, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 5, lumilitaw na dumanas ng hypertensive activity ang biktima. (Mary Ann Santiago)