Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa bisinidad ng Batanes.
Ipinahayag ng Philippine Atmospheric, and Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang nasabing LPA ay nasa labas pa ng bansa.
Posible umano itong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na mga araw.
Ayon sa ulat, huling namataan ang weather disturbance sa kanlurang bahagi ng Batanes na posible ring magpaulan sa ilang lalawigan sa northern Luzon.
Nilinaw naman ng PAGASA na humina na ang umiiral na habagat (southwest monsoon) ngunit makararanas pa rin umano ng isolated thunderstorms sa Ilocos provinces, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite at Batangas. (Rommel Tabbad)