Kukuha ng libu-libong doktor at nurses ang pamahalaang Duterte para mangalaga sa 700,000 drug surrenderer.
Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng dalawang ektaryang lupa sa loob ng military camps para paglagyan ng mga sumukong drug user at pushers.
“And I would need thousands of doctors, thousands of nurses, and maybe millions for the medicines and the psychologists and all,” ayon sa Pangulo sa 18th anniversary ng Volunteers against Crime and Corruption (VACC) noong Lunes ng gabi.
Ang pondo ay nakapaloob na umano sa national budget para sa susunod na taon at binabalangkas na ng Kongreso.
(Yas D. Ocampo)