Nakahandusay at wala nang buhay ang isang lalaki nang madatnan ng mga garbage collector, matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem, sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Rodrigo Penollar, 42, ng No. 2009 P. Santiago Street, Barangay Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng cal. 9mm sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga nangongolekta ng basura na tumangging ipabanggit ang kanilang mga pangalan, dakong 2:00 ng madaling araw, nangongolekta sila ng basura sa kahabaan ng East Service Road, Barangay Paso De Blas nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Kaagad umano nilang pinuntahan ang pinagmulan ng putok at nasalubong ang dalawang lalaki na lulan sa motorsiklo at dito na nila nakita ang duguang bangkay ni Penollar. (Orly L. Barcala)