CABANATUAN CITY - Nabawi ng operatiba ng Cabanatuan City Police ang isang kotse na umano’y tinangay ng isang stay-in carwash boy makaraang ipalinis sa J&B Carwash Garage sa Kapt. Pepe Subdivision sa Barangay San Josef Norte sa lungsod na ito, tanghali nitong Sabado.

Sa reklamo sa pulisya ni Jose Roy Balagtas y Lachica, 68, city administrator, at taga-Bgy. Mabini Homesite, sinabi niyang dakong 11:00 ng umaga nang ipa-carwash niya ang kanyang Toyota Altis (AAB-8443) pero nang balikan niya ito kinabukasan ay wala na roon ang sasakyan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Manuel Carlos Glen Refe, sinabi ng ilang carwasher na nakita niyang minaneho ang sasakyan ni Marlon Reynaldo y Lomibao, stay-in carwash boy.

Sa follow-up operations ng pulisya kinabukasan ay natagpuan ang abandonadong sasakyan dakong 9:00 ng umaga nitong Linggo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pinaghahanap pa si Reynaldo. (Light A. Nolasco)