LAUSANNE, Switzerland (AP) — Napipintong masibak bilang miyembro ng International Olympic Committee (IOC) ang Kenya.
Ang naturang kaganapan ang sentro ng usapin matapos buwagin ng Kenyan government ang National Olympic Committee ng Kenya (NOCK) dahil sa kapabayaan at kurapsyon sa paghahanda ng koponan sa paglahok sa Rio Olympics.
Ayon sa IOC nababahala sila sa sitwasyon ng Kenya, higit at tatlong senior official ng NOCK ang inaresto kaugnay ng ulat nang kapabayaan sa kalagayan ng mga atleta.
“Will not accept any action or interference from government authorities that would go against the basic principles and rules of the Olympic Charter,” diin ng IOC sa opisyal na pahayag.
“If the situation is not rectified, the IOC might be forced to consider protective measures as provided in the Olympic Charter.”
Kabilang sa aksyon ng IOC ang posibilidad na suspendihin ang Kenya dahil sa isyu ng government interference na taliwas sa charter ng Olympic body.
Kung magkagayun, papayagan pa ring makalaro ang Kenyan athlete sa IOC sponsored tournament sa ilalim ng Olympic flag.