DAVAO CITY – Makikipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Audit (COA) para sa pagkakaroon ng alternatibo sa procurement methods na bubura sa mahabang transaksyon at kadalasan ay may halong korapsyon.
Nais ng Pangulo na itama ang bidding process na kadalasan ay pinapanalunan ng pinakamababang bidder.
“Iyong pinakababa walang kapital iyon, laway lang. Mag-imbento ng korporasyon gaya ng MRT natin. And iyong… kaya nangyari sa Crame nag-express. ‘Pag sagot ni—Eh kung siyempre may negosyo ka, tutubo ka, wala patay na,” ani Duterte.
Nais ng Pangulo na sa bidding, dapat ay mas manaig ang kalidad ng serbisyo at produkto. “It should be quality first, ang specification is quality,” ayon sa Pangulo na nagsabing sa procurement pa lang ng Sandatahang Lakas, hindi nito ikokompromiso ang kalidad ng mga gamit pandigma. (Yas D. Ocampo)