BEIRUT (AFP) – Ipinahayag ng grupong Islamic State noong Martes na namatay ang spokesman nito na si Abu Mohamed al-Adnani sa lalawigan ng Aleppo sa Syria kasabay ng pagkumpirma ng US na tinarget nila siya sa parehong lugar.

Sinabi ng News Agency Amaq ng IS na: “Sheikh Abu Mohamed al-Adnani... was martyred while surveying operations to repel the military campaigns against Aleppo.”

Sa Washington, sinabi ni Pentagon spokesman Peter Cook na sinusuri pa ng mga awtoridad ang mga resulta ng strike sa Al-Bab, sa lalawigan ng Aleppo.

Ayon kay Cook si Adnani ay “principal architect” ng external operations at pangunahing tagapagsalita ng IS. Ito ang namamahala sa galaw ng mga mandirigmang ISIL (Islamic State of Iraq and the Levant), at humihikayat ng lone wolf attacks sa mga sibilyan at militar, at aktibo sa pangangalap ng mga bagong miyembro ng ISIL.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Idiniin ng US defense official na si Adnani, Taha Sobhi Falaha sa tunay na buhay, ay isa sa pinakamataas na lider ng ISIL at hindi isang ordinaryong tagapagsalita lamang.

Malaki ang naging papel nito sa madudugong pag-atake sa nakalipas, kabilang na ang coordinated attacks sa Paris, pagpasabog sa mga paliparan sa Brussels at Istanbul at sa isang cafe sa Bangladesh, gayundin sa pagpapabagsak sa isang eroplano ng Russia sa Sinai at suicide bombings sa Ankara.

Ang mga pag-atake ay pumatay ng mahigit 1,800 katao at ikinasugat ng halos 4,000.

“Adnani was a legacy AQI (Al-Qaeda in Iraq) member, a Shura council member and the most publicly recognizable official in ISIL,” ayon kay Cook.