WASHINGTON (Reuters) – Inaasahang magkakausap sina United States President Barack Obama at Pangulong Rodrigo Duterte sa Setyembre 6, at may planong talakayin ang tungkol sa karapatang pantao at usapin sa seguridad, inihayag ng White House kahapon.

“We absolutely expect that the president will raise concerns about some of the recent statements from the president of the Philippines,” sinabi ni White House Deputy National Security Adviser Ben Rhodes sa mga mamamahayag nang tanungin kung kabilang ba sa mga pag-uusapan ng dalawang leader ang tungkol sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa kababaihan, mga mamamahayag at iba pa.

Gayunman, sinabi ni Rhodes na mayroong mahahalagang usapin sa seguridad na kailangang talakayin ng dalawang pinuno, partikular na ang tensiyon kaugnay ng agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Patuloy na kinokontra ng China ang desisyon ng international court laban sa pag-angkin nito sa halos buong South China Sea, batay sa kasong idinulog ng Pilipinas.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang inaasahang pag-uusap nina Obama at Duterte ay mangyayari sa Laos, kung saan kapwa dadalo ang dalawang leader sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Setyembre 6-8.