CUENCA, Batangas - Hinanakit sa sariling ina ang nilalaman ng suicide note ng isang lalaki na nagbaril sa sarili sa Cuenca, Batangas.

Nagbaril umano sa ulo si Danilo Catangay, 50, taga-Barangay Bungahan sa naturang bayan.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:00 ng umaga nitong Biyernes nang i-report sa pulisya ang pagpapakamatay ni Catangay.

Nakuha umano sa bag ng bikima ang isang sulat na puno ng hinanakit at sumbat sa sariling ina; sinabing hindi siya itinuring na anak at laging sinisiraan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar