Bago bumisita sa China ngayong taon si Pangulong Rodrigo Duterte, nais ng pamahalaan na magkaroon na ng provisional fishing agreement sa China upang hindi ma-harass ang mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.
“We should create an environment under which we can formally move forward the bilateral negotiations with China. We would like China to agree with a provisional agreement that would allow our fishermen to go back to our traditional fishing grounds,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.
Sa ilalim ng arbitral ruling, walang karapatan ang China na itaboy ang mga mangingisdang Pinoy, ngunit nais ng pamahalaan na mayroong mapagkasunduan ang Pilipinas at China hangga’t pinaplantsa pa ang permanenteng solusyon sa rehiyon. (Charissa M. Luci)