Pabor ang Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin pa ng hanggang 10 taon ang validity ng passport.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr., suportado nila ang panukalang amiyendahan ang Republic Act 8239 o Philippine Passport Act of 1996, partikular na ang passport validity.

Gayunpaman, dapat din umanong doblehin ang singil sa passport upang hindi maapektuhan ang pinansya ng DFA.

Pwede rin umano sa amiyenda ang exemption para sa mga batang aplikante na mabilis na magbabago ang itsura sa loob ng ilang taon pagkatapos makakuha ng pasaporte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We provide for certain exemption if the applicant is child. He or she may look older or mature after two years, looks older, maturity, and his appearance may have changed,” ayon kay Yasay sa House Committee on Appropriations, kung saan isinailalim sa briefing ang P16.63 bilyong panukalang 2017 badyet para sa DFA.

Kamakailan lang, isinampa ni AASENSO partylist Rep. Teodoro G. Montoro ang House Bill 1894 na naglalayong palawigin pa ng 10 taon ang passport validity. (Charissa M. Luci)