Naghain si Oriental Mindoro 2nd District Rep. Reynaldo Umali ng panukala na magtatatag ng isang konseho na mangangasiwa, magpapatupad at gagabay sa “development goals of the whole Mindoro province.”

Batay sa House Bill 31 o “Sustainable Development Council for Mindoro Island Act”, ang konseho ang magsisilbing administrative machinery na magsusulong sa human development, economic growth, kabilang ang “development, conservation, management, protection and utilization of the natural resources of Mindoro Island.”

Alinsunod sa panukala, lilikha ang konseho ng Strategic and Integrated Development Plan (SIDP), isang komprehensibong framework na magsusulong sa “ideals of people-centric-development, inclusive growth and green development particularly in the crafting of Mindoro Island Strategic and Integrated Development Plan.” (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito