Walang nakikitang dahilan si Senator Leila de Lima para mag-resign bilang senador, lalo na kung ang suhestiyon ay galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I’m neither weak nor guilty,” ani De Lima.

Noong Lunes, sinabi ni Duterte na dapat ay magbigti na si De Lima o kaya’y mag-resign dahil wala na siyang mukha matapos umanong masangkot sa ilegal na droga at umano’y imoral na makipagrelasyon sa kanyang drayber.

Pero nanindigan si De Lima na kailanman ay hindi siya magbibitiw sa pwesto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Is there any reason why I should be taking advice from the person who is persecuting and maligning me? I don’t think so, he who want to see you extinguished and who wish your destruction,” ani De Lima.

Muling iginiit ni De Lima na hindi rin siya dadalo sa ipatatawag na pagdinig ng Kamara dahil tiyak na wala naman umano siyang makakamtang hustisya.

“Mahirap. Alam ko naman wala akong kinalaman diyan. And I’m judged guilty already by the President. And then you think that House Speaker will be anything near fair to me? I’m already judged guilty, I’m finished in so far as the President is concerned kaya nga ako pinapa-resign. Tapos haharap ako dun? Wala na kong kahihiyan sa sarili ko nun ah.” Dagdag pa ni De Lima. (Leonel M. Abasola)