SYDNEY (Reuters) – Nasabat ng mga opisyal ng Australian customs ang malaking bulto ng 95 kilo ng cocaine mula sa isang cruise ship na nakadaong sa Sydney Harbour kasunod ng joint operation nitong Linggo at nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong Canadian.

Ito ang pinakamalaking nasamsam na droga sa paliparan o sa cruise ship sa Australia, sinabi ni Tim Fitzgerald, regional commander ng Australian Border Force, noong Lunes.

Kinasuhan ang mga Canadian ng pag-aangkat ng commercial quantity ng cocaine, na may parusang habambuhay na pagkakulong.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline