Hindi na nasikatan pa ng araw ang isang lalaki, isa umanong bading, na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraang pagbabarilin hanggang sa napatay ng armado sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Las Piñas City Police Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo ang biktima na si John Abellana, alyas “Iwa”, 22, beautician, ng No. 4073 Avocado Street, Barangay CAA ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong 1:30 ng madaling araw kahapon naglalakad si Abellana malapit sa kanyang tirahan nang sumulpot ang suspek at makailang ulit na binaril.
Lumilitaw sa imbestigasyon na kilala umanong tulak si Abellana sa kanilang lugar. (Bella Gamotea)