Angel copy

NABABANSAGAN pala ng production people bilang “Flashback Queen” si Angel Aquino, at siya mismo ang nagkuwento nito, dahil palagi na lang may flashback na karakter na kanyang ginagampanan para maipaliwanag kung bakit ito naging salbahe.

Flashback sa kanyang buhay ang isiniwalat ni Angel nang mag-guest siya sa Magandang Buhay. Si Direk Jeffrey Jeturian pala ang humimok sa kanya na mag-artista at sa modelling world siya nagsimula.

Ipinakilala siya sa Sana Ay Pag-ibig, ang unang pelikula na dinirek ni Jeturian. The rest, wika nga, is history.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Isa si sa mga hinahangaang bituin ni Angel si Cherie Gil na kung isalarawan niya ay “a classy and glamorous contravida”. Angel may not be aware of it, pero kahanay na siya ngayon ni Cherie kung pagiging classy ang pag-uusapan.

Sa bagong teleseryeng Till I Met You muling mapapanood ang galing ni Angel sa larangan ng pagganap. Hindi rin niya itinago ang admiration niya kina James Reid at Nadine Lustre. 

“They are so committed to their work at wala silang kapaguran. I can relate to them dahil I have two daughters na halos kaedad nila. Proud na proud ako at naging bahagi ako ng isang proyektong garantisadong aani ng papuri,” patapos na wika ni Angel na hindi naging maramot sa pag-demonstrate ng isang activity exercise na makapagpapalis ng stress.

(REMY UMEREZ)