NAKATSIKAHAN namin ang taong malapit sa aktor na hindi pumirma ng exclusive contract sa TV network na nilipatan niya dahil mas gusto nito ang per-project contract.
Maganda naman ang kontrata per project dahil puwedeng makapag-crossover sa ibang network o kapag natapos na ang show at muling may offer ay puwede kang magtaas ng talent fee.
Pero hindi ito ang mangyayari sa aktor base sa kuwento ng kausap namin.
“Eh, malalaman kung may next project pa siya after ng show niya. Kasi as of now, walang sinasabi sa kanya kung ano ang next project niya. Baka magpahinga o ipahinga muna siya.
“Hindi kasi siya network contract, ayaw ng manager niya, eh, siguro nga, tama ka, baka kasi ‘pag may bagong offer, puwedeng magpataas ng talent fee. Eh, paano kung wala palang offer, eh, ‘di nganga, walang security.”
Kaya ang tanong ng mga nakakaalam sa sitwasyon ng aktor, paano na, siya pa mandin ang isa sa breadwinners ng pamilya niya.
“Eh, bahala na sina Batman at Robin,” nakakalokang sagot ng source.
Sabi namin na baka naman may dumating na offer pagkatapos ng show niya.
“Sana nga,“ mabilis na sabi sa amin.
Hmmm, teka, hindi ba babalik ang aktor sa network na nakadiskubre sa kanya?
Uso naman ang balikan at iwanan basta’t hindi lang susunugin ang tulay na nilakaran, ‘di ba, Bossing DMB?
(Reggee Bonoan)