Limang katao na pawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang napatay sa magkakasunod na drug operation ng Manila Police District (MPD) sa buong magdamag.

Sa Tondo, nitong Lunes, dakong 7:40 ng gabi nang mapatay ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Station 2 ang isang ‘di kilalang lalaki sa Sparkline Road, Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Dakong 9:30 ng gabi naman nang makasagupa ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID-SOTU) ng MPD-Station 2, sa Barangay 96, Tondo, si Ernesto Salting Jr., alyas “Weng”, 37, ng Roxas Street, Barangay 102, Vitas, Tondo.

Sa Sampaloc, dakong 2:00 ng madaling araw kahapon, dalawang ‘di kilalang lalaki naman ang napatay ng mga pulis matapos umanong manlaban nang maaktuhang humihithit ng shabu.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na napatay ng mga pulis sa isang operasyon sa Jose Abad Santos, sa kanto ng Quiricada St., Tondo, Manila, dakong 2:30 ng madaling araw.

Narekober ng mga pulis mula sa mga napatay na suspek ang 25 pakete ng shabu at limang iba’t ibang uri ng baril.

(Mary Ann Santiago)