Diego copy copy

NAGLABAS ng statement ang Star Magic tungkol sa mga artista na pinangalanan sa isang radio program na diumano’y sangkot sa paggamit ng illegal drugs.

Pinabulaanan din ng Star Magic na under surveillance ng Philippine National Police ang direktang pinangalanan na sina Jake Cuenca, Enrique Gil at Diego Loyzaga dahil kasama raw sa listahan ng drug personalities.

Dahil sa nakakaalarmang tsismis, kaagad na nagpa-drug test nitong nakaraang Sabado ang 40 Kapamilya actors kabilang sina Enrique, Jake at Diego para pabulaanan ang nasabing isyu.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Vindication sa maling tsismis ang resulta ng drug test, dahil lumabas na negatibo sina Enrique, Diego at Jake. Ibig sabihin, walang nakitang kahit na anong trace ng illegal drug substance sa kanilang katawan.

Vindicated si Enrique dahil nauna siyang tinukoy na nasa listahan ng drug users.

Sa nasabi ring radio program nabanggit ng nagpakilalang “pusher” ang palayaw niyang “Quen” na diumano’y gumagamit ng bawal na gamot.

“Bago pa lumabas ‘yang sinasabing listahan na ‘yan ng mga artistang drug user, gusto na talagang magpa-drug test ng ibang Kapamilya actors,” sabi ng aming source sa Star Magic. “Naging busy lang si Enrique sa Dolce Amore kaya hindi niya ito agad nagawa.”

Narito ang official statement ng Star Magic kaugnay ng nasabing isyu sa kanilang mga artista.

“Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community. Results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga and the rest of Star Magic artists.

“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug free.”

Malaking tulong ang resulta ng drug test, dahil hindi na pagdududahan sina Enrique, Diego at Jake. Hindi na rin sila kaagad huhusgahan ng mga tao na kadalasang nami-misinterpret ang kanilang mga ikinikilos.

Sabi nga ni dating Miss International Melanie Marquez, ‘Don’t judge the book by its cover if you are not a judge.”

(ADOR SALUTA)