CABANATUAN CITY - Dahil sa madalas na pag-uulan, dumaraing ngayon ng pagkalugi ang mga residente ng Sitio Depensa sa Barangay Capanitan sa Orion, Bataan matapos na mangabulok ang mahigit 400 kilo ng gawa nilang tuyo dahil hindi nila maibilad ang mga ito.

Inaamag at nabubulok na ang daan-daang kilo ng tuyo nina Ondoy Mahipos, Eddie at Mylene Boa, Talac Custodio at Racquel Bernardo, gayundin ng marami pang mangingisda sa lugar na labis na naapektuhan ang kabuhayan.

“Mahigit dalawang linggo nang hindi ito naibibilad,” sabi ni Eddie habang ipinakikita ang mga isdang Halubaybay.

Anila, lugi na sila dahil kung may bibili ng tuyo ay baka nasa P50 per kilo na lang ito mula sa bentahang P120, habang ipinamimigay na rin nila ang iba. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar