TARLAC CITY – Harapang nakipagbarilan sa mga pulis ang isang umano’y miyembro ng Cleofas Gang at ikapitong drug personality sa siyudad na ito, makaraang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation laban sa kanya sa Barangay Bypass Road, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Harvy Gabia, 35, ng Sitio Pag-asa, Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang .38 caiber revolver, dalawang basyong bala ng .9mm pistol, hinihinalang shabu, P500 marked money at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar