JAKARTA – Binansagan siyang ‘The Hitman’ at pinatunayan ni Pinoy fighter Burn Soriano ang bilis niya sa pagpatigil sa karibal.

Napanganga sa kabiglaan ang home crowd nang pabagsakin ni Soriano ang hometown favourite na si Mario Wirawan sa loob lamang ng 15 segundo sa opening round.

Nangalog ang tuhod ng Indonesian fighter nang tamaan sa panga nang ‘spinning backfist’ ni Soriano. Sinundan ito ng Pinoy nang sunod-sunod na hammerfist bago inawat ng referee ang laban at ibigay ang panalo kay Soriano sa supporting event ng ONE Championship: Titles and Titans card Sabado ng gabi sa Jakarta Convention Center.

Ang panalo ang isa sa pinakamabilis na laban sa ONE FC o maging sa iba pang MMA promotion sa mundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang kauna-unahang panalo ni Soriano sa ONE FC, ngunit nakilala siya sa impresibong tagumpay kontra URCC champion CJ de Tomas at dating ONE champ Honorio Banario. Sa kabuuan tangan niya ang 3-2 marka sa MMA career.

Naging doble ang selebrasyon ng Team Lakay nang magwagi via knockout si Edward “The Ferocious” Kelly kontra Dutch-Indonesian Vincent ‘MagniVincent’ Latoel.

Nahila niya ang MMA career record sa 8-3.