CALIFORNIA – Impresibong tinapos ni Pinoy golf star Princess Superal ang kampanya sa three-under 69 para makisosyo sa ikalawang puwesto at masiguro ang posisyon sa Second phase ng LPGA Qualifying Tournament.
Isang stroke lamang ang layo ni Superal, amateur star na ilang ulit nang naging kampeon sa Ladies Philippines Golf Tour, sa nagwaging si Daniella Darquea ng Ecuador na umiskor ng 70 para sa kabuuang 278 sa Dinah Shore course sa Rancho Mirage nitong Linggo (Lunes sa Manila).
May kabuuang 92 players ang nakausad sa Stage 2 matapos ilagay ang cut sa 6-over 278.
Umiskor ang 19-anyos na si Superal ng 70-72-68 sa unang tatlong round para makatabla kay Sarah Schmelzel, nagsumite ng 71.
Gaganapin ang Stage II sa Oct. 20-23 sa Plantation Golf and Country Club sa Venice, Florida.
Makakasama ni Superal, 2014 US Girls’ Junior champion, ang kababayang si Regina de Guzman na umiskor ng 77 para sa kabuuang 291 at sosyong ika-46 puwesto.