ginebra copy

Mga Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Globalport vs TNT

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

7 n.g. -- San Miguel vs Meralco

Magandang balita para sa taga-barangay.

Madadagdagan ng lakas at lalim ang bench ng Barangay Ginbera Kings sa pagbabalik-aksiyon ni forward/center Greg Slaughter.

Mismong si Ginebra coach Tim Cone ang nagpahayag nang kahandaan ng 6-foot-11 main man para muling sandigan ang Ginebra sa laro kontra Mahindra sa Setyembre 9.

Ito ang unang sabak ng dating Gilas mainstay matapos sumailalim sa operasyon para maalis ang butong nalihis sa kanyang paa. Hindi nakalaro si Slaughter sa Kings sa loob ng tatlong buwan.

"We're expecting him to play some minutes against Mahindra," pahayag ni Cone sa post-game interview matapos gapiin ng Kings ang Star Hotshots, 116-103.

"He'll be coming off the bench and we'll give him some minutes. We will slowly bring him back,” aniya.

Matikas ang Kings sa kasalukuyang OPPO-PBA Governors Cup sa naitalang anim na panalo sa walong laro.

Kahapon, kasama ng Kings si Slaughter sa ensayo, ngunit limitado lamang ang aksiyon sa scrimmage.

"I'll just try to get my rythm back," pahayag ni Slaughter.

Inamin niyang nadagdagan ang pagnanais niyang makabalik nang mapanood ang kapana-panabik na duwelo ng Kings sa Star nitong Linggo ng gabi. (Marivic Awitan)