Kusang sumuko ang isa sa mga pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ika-68 sa listahan ng PS6 drug watch list kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) kay NCRPO Police Director Oscar Albayalde, dakong 9:30 ng gabi sumuko kay Police Supt. Lito Patay si PO3 Liberato Pumanes Calda, alyas “Levy”, ng Batasan Hills at nakatalaga sa Taguig City Police Station ng Southern Police District (SPD).

Una rito, ipinag-utos ni QCPD Director Police Sr. Supt. Guillor Lorenzo T. Eleazar na salakayin, sa pamamagitan ng Oplan Tokhang, ang mga nasa PS6 drug list at isa sa mga bahay na kinatok ang kay Calda.

Nabatid na noong Agosto 18, kinatok ng PCP 2 personnel ng Batasan Police Station ang bahay ni Calda na naging dahilan upang siya’y kusang sumuko at linisin ang kanyang pangalan.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Sa harap mismo ng hepe Batasan Police Station ay pinabulaanan ni Calda ang alegasyon na sangkot siya sa ilegal na droga subalit nang sumailalim sa portable drug testing ay nagpositibo siya sa ipinagbabawal na gamot.

Maging sa pagsusuri ng QCPD crime laboratory ay nagpositibo rin si Calda na maaaring maging dahilan ng kanyang pagkasibak sa trabaho. (JUN FABON)