TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Naglaan si Cagayan Gov. Manuel Mamba ng P500,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek at ng mismong utak sa pagpatay kay Pamplona Vice Mayor Aaron Sampaga.

Matatandaang dakong 11:20 ng gabi noong Agosto 5 nang pagbabarilin at mapatay si Sampaga, 39, ng mga hindi nakilalang suspek sa Barangay Masi, Pamplona. Nasugatan din ang isang kasamahan ng bise alkalde. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar