Matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot na sa 3.7 milyon ang adik sa Pilipinas at banta na sa national security ang ilegal na droga, naglaan ito ng P2 milyon sa bawat ulo ng ‘ninja cop’ o mga pulis na sangkot sa distribusyon ng droga, gayundin sa pagkanlong ng mga sindikato.

Sa kanyang talumpati sa paggunita sa National Heroes Day, sinabi ng Pangulo na sagot niya ang mga pulis na tumatalima sa kampanya sa ilegal na droga, gayunpaman, una naman sa listahan ng kanyang target ang mga pulis na sangkot sa drug trade.

“I’m placing per head P2 million and you might want to, ipagbili na ninyo ang mga kaibigan ninyo,”ani Duterte sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ng Pangulo na tatapusin niya ang problema sa droga sa kanyang termino, lalo na’t kumalat na ang krisis at nasangkot na ang mga heneral, mayors, governors, barangay captains at ‘ninja cops’.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I will fight criminality and drugs, most of the criminal acts are really on the account of the drug menace, so I will not relent. The campaign will be continuous and I will, as I have said in the campaign rallies all over the country, I will be harsh as I can ever be,” ayon sa Pangulo.

Banta na sa national security ang droga, at noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, inatasan na rin nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na lumaban sa droga.

“If the military does not do its part and leave it to the police alone, we cannot ever ever suppress drug problem,” ayon kay Duterte na nagsabing ang bansa ay ginawa nang transhipment ng droga mula sa iba’t ibang bansa.

(Genalyn Kabiling)