TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang karpintero matapos siyang pagtatagain ng sarili niyang anak na lalaki dahil sa pag-aaway nila sa pulutan sa gitna ng kanilang inuman sa Barangay Callungan, Sanchez Mira, Cagayan, nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, agad na namatay si Alfredo Grande, 58, dahil sa paulit-ulit na pagtaga rito ng anak na si Arrish Grande, 27, na agad namang nadakip.

Napaulat na sinaktan ni Afredo ang anak dahil kinapos sila sa pulutan kaya gumanti si Arrish at pinaghahataw ng dos-por-dos na kahoy ang ama hanggang sa mapalugmok ang matanda at paulit-ulit na tinaga. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar