SINGAPORE (Reuters) – Inalarma ng World Health Organization ang mga bansa sa Asia laban sa Zika virus matapos kumpirmahin ng Singapore noong Linggo ang 41 na kaso.
“It is important for countries to remain vigilant through surveillance for cases, to continue vector control, to inform people about Zika and how they can protect themselves, and to have the health system ready to supply the services needed to prevent and manage Zika and its consequences,” sabi ng WHO sa Reuters.
Ayon sa Singapore karamihan ng kinapitan ng locally transmitted Zika virus ay mga banyagang construction worker, at inaasahan na mas marami pang kaso ang matutukoy sa mga susunod na araw.
Noong Sabado, kinumpirma ng mga awtoridad na isang 47-anyos na babaeng Malaysian na naninirahan sa timog silangan ng city-state ang unang kaso ng local transmission ng virus.
Unang nasuri ang Zika, ikinakalat ng lamok, sa Brazil noong nakaraang taon. Mapanganib ang virus sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng birth defects sa kanilang mga sanggol, partikular ang microcephaly o abnormal na pagliit ng ulo.
Sinabi ng WHO sa isang pahayag noong Linggo na hindi pa nito nababatid kung anong uri ng Zika ang kumakalat o “what the level of population immunity is to this lineage of Zika in Asia.”
Sinabi ng Singapore na mayroong “ongoing local transmission” cases sa Indonesia, Thailand, at Vietnam.
Ang iba pang bansa sa rehiyon na nagkaroon ng Zika virus simula 2013 ay kinabibilangan ng Bangladesh, Cambodia, Laos, Malaysia, Maldives at Philippines, ayon sa WHO.