MOSCOW (PNA) – Isang bagong galaxy na kasinlaki ng Milky Way ngunit halos walang bituin at binabalot ng kadiliman ang natuklasan ng mga scientist.

Tinawag na Dragonfly 44, ang galaxy ay isa sa 47-strong set ng ultradiffuse, o “fluffy” galaxies na nadiskubre noong 2014 gamit ang mga lente ng Dragonfly Telephoto Array.

Ang Dragonfly 44 ay nasa Coma Cluster, isang grupo ng halos 1,000 galaxy na tinatayang 300 million light-years ang layo mula sa Earth.

Ang madilim na galaxy ay may mass na tinatayang 1 trilyong beses kaysa Sun, katulad ng mass ng Milky Way. Gayunman, 0.01 porsiyento lamang ng galaxy ay nasa porma ng bituin at “normal” matter.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Motions of the stars tell you how much matter there is. They don’t care what form the matter is, they just tell you that it’s there. In the Dragonfly galaxy stars move very fast,” paliwanag ni Pieter van Dokkum ng Yale University, co-author ng paper on the discovery na inilathala sa The Astrophysical Journal Letters noong Biyernes.

Mahalaga ang pagkakatuklas sa Dragonfly 44 dahil ito ang pinakamalaking galaxy na nadiskubre na binubuo ng halos dark matter. Umaasa ang mga scientist na sa pamamagitan ng pag-obserba sa bagong galaxy, mas marami silang matutuhan tungkol sa black matter.