OFF THE COAST OF LIBYA (AP) – Sinagip ng mga Italian naval ship at mga barko mula sa mga non-government group ang libu-libong migrante sa baybayin ng Libya nitong Lunes, ang huli sa mga desperadong pagtatangka na magtungo sa Europe upang makaiwas sa digmaan, kahirapan at human trafficking.

Nangyari ang pagsagip may 21 kilometro sa hilaga ng bayan ng Sabratha sa Libya. Tumulong din ang mga grupong gaya ng Proactiva Open Arms at Doctors Without Borders sa pagliligtas sa nasa 3,000 katao na naglalayag lulan sa nasa 20 maliliit na bangkang kahoy.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline