IPINAGDIRIWANG ang GoTopless Day tuwing Linggo na pinakamalapit sa taunang Women’s Equality Day, isinisimbolo ang araw na nakamit ng kababaihan sa Amerika ang karapatang bumoto.

Naglalakad habang walang suot na pang-itaas ang isang grupo na nasa 50 babae at lalaki sa Oceanside ng Los Angeles na kalapit ng Venice para ipanawagan ang pagkakaroon ng kababaihan ng parehong legal na karapatan na tulad ng sa kalalakihan.

Ang mga nagprotesta ay nakilahok noong Linggo sa martsa ng GoTopless, isa sa maraming planong aktibidad sa buong mundo para sa okasyon. Naglakad ang mga nagmartsa sa likod ng inflatable pink breast na may nakasulat na “equal topless rights.” Isa sa mga nagmartsa ang may hawak ng plakard na nasusulatan ng: “My Body Is Not A Crime.”

May iilan ring babae ang walang damit pang-itaas na nagtungo sa Broadway sa New York City, at ang iba ring mga pagkilos ay idinaos sa New Hampshire, Denver, at iba sa pang mga lungsod sa mundo.

Nag-alis ang kababaihang raliyista ng pang-itaas na damit para ipanawagan ang pantay na karapatan.

Pinangunahan ang martsa ng ibang kababaihan na may hawak na banner, kasunod ng iba, na wala ring suot pang-itaas.

Nasa dulo ng martsa ang dalawang malaking inflatable breast.

Nanlaki ang mata ng mga nakapanood at kumuha ng mga litrato habang patuloy sa pagparada ang mga kalahok. Legal ang paglalakad na walang suot pang-itaas sa New York simula noong 1992.

Isa ang aktibidad na ito sa New York City sa mga itinakda sa iba’t ibang lungsod sa mundo. Ang iba pang pagtitipon ay gaganapin sa New Hampshire, Los Angeles, at marami pang iba.

Kabilang sa mga planong kaganapan ang pagtitipon sa mga dalampasigan mula sa New Hampshire hanggang sa California at parada sa New York City at Los Angeles na tampok ang malalaking higanteng lobo na hugis dibdib.

Ipinaglalaban ng mga aktibista sa kilusan na ang kababaihan ay dapat ding makapag-topless sa publiko, tulad ng ginagawa ng kalalakihan.

May iba’t ibang batas ang mga lungsod at estado kung legal para sa kababaihan ang mag-topless sa publiko.

(Associated Press)