HyperFocal: 0
HyperFocal: 0

SA kabila ng pagkakasangkot sa iba’t ibang sigalot at pagiging sentro ng negatibong atensiyon, nanatili pa ring isa sa mga pinakamatagumpay na artist sa kanyang henerasyon si Justin Bieber.

Napasama ang Canadian singer sa bagong Guinness World Records 2017 Edition book na may impresibong walong record title, iniulat ng Guinness.

Salamat sa kanyang comeback studio album na Purpose, nakapagtala si Bieber ng iba’t ibang achievement sa pinakabagong edition na annual list ng Guinness.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakamit ng 22-year-old singer/songwriter ang mga sumusunod na record:

Most streamed album on Spotify in one week ang ikaapat na studio album na Purpose na may kabuuang 205 million stream sa buong mundo, at ang unang single sa album na What Do You Mean ay pinarangalan namang Most streamed track on Spotify in one week na umani ng 30,723,708 steam sa loob ng pitong araw.

Nakuha rin ni Bieber ang record na Most simultaneous tracks on the US singles chart nang umakyat ang lahat ng 17 awitin sa Billboard 100 list na tumalo sa dating record ng Beatles at ni Drake.

Sa 13 awitin na kasama sa Hot 100 noong Disyembre 5, 2015, ang young singer ay naka-break ng record para sa Most simultaneous new entries in the Hot 100 by a solo artist.

Hinirang din si Bieber bilang First act to occupy all top three positions simultaneously on UK singles chart nang manguna ng mga hit song na Love Yourself (No.1), Sorry (No.2) at What Do You Mean? (No.3) sa UK singles chart.

Bukod sa pamamayani sa charts, mistulang si Bieber din ang namamayagpag sa mundo ng social media.

Siya ang lalaki na kasalukuyang may pinakamaraming Twitter followers na umaabot sa 85,235,563 at ang kanyang opisyal na VEVO channel ay Most viewed music channel on YouTube (individual) -- 10,478,651,389 views, na tumalo sa dating record na 6,884,884,873 views ni Rihanna.

Hawak din ang male singer ang Most subscribers on YouTube for a musician na may 20,711,202 subscribers sa kanyang YouTube Channel JustinBieberVEVO.

Iprinisinta kay Justin ang mga certificate para sa kanyang record-breaking achievement ng team ng Guinness World Records staff at ng isang official adjudicator, bago isinagawa ang isa sa mga sold-out na Purpose Tour show sa Madison Square Garden sa New York City. (MB Entertainment)