Hiniling ni Senate Minority Leader Ralph Recto sa mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ihanda ang kanilang mga “itemized budget” sa pagharap sa pagdinig ng Senado sa panukalang P3.35 trillion 2017 national budget.

Ipinunto ni Recto na ang kawalan ng itemized budget ang dahilan kung bakit naaantala ang mga proyekto sa nakaraang administrasyon.

“In part, our recent experience with underspending was a result of the absence of a detailed listing of projects, amounting to P623 billion from 2011 to 2014,” ani Recto.

Gayunman, aminado si Recto na hindi ito masyadong nasusunod lalo na sa calamity fund. “Hindi mo naman mapre-predict kung ilang bagyo ang darating at ilan ang mabibiktima. Sa retirement funds, hindi mo rin malalaman kung ilan, halimbawa, ang mamamatay na empleyado ng gobyerno next year,” aniya.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Subalit ayon sa senador, ang ibang proyekto katulad ng mga classroom constructions, right of way sa national roads, social protections, farm to market roads ay talagang dapat na naka-itemized na. (Leonel M. Abasola)