ALICIA, Isabela - Napatay ng motorcycle-riding criminals ang lalaking kabilang sa drug watchlist ng Alicia sa Barangay Magsaysay sa bayang ito, nitong Sabado.

Sa report kahapon ng Public Information Office ng Police Regional Office (PRO)-2, nakaupo sa harap ng gate ng kanyang bahay nang pagbabarilin si William Medina, Jr., 32, ng Bgy. Magsaysay, Alicia.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung kapwa rin sangkot sa droga ang may kagagawan sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar