PAWANG positibo ang mga review sa pelikulang Camp Sawi ng Viva at N2 Films na pinagbibidahan nina Bela Padilla, Kim Molina, Andi Eigenmann, Yassi Pressman at Arci Muñoz kasama rin sina Jerald Napoles at Sam Milby mula sa direksiyon ni Irene Villamor.

Kaya inuulan tuloy kami ng tanong ng lahat ng mga kaibigan, kaanak at mga kaklase namin na nasa ibang bansa partikular na sa Dubai, San Francisco, Los Angeles, New Jersey, Florida, at Chicago kung kailan ito ipalalabas sa ibang dahil gusto raw nilang mapanood.

Parang hindi nga nabanggit sa presscon na may international screening sila. Sayang naman kung wala dahil maganda ang pelikula at bibihirang makagawa ng ganitong istorya at tema ang Viva Films.

Mabuti na lang, nang magtanong kami sa taga-Viva kung may international screening sila, “yes po, kasalukuyang inaayos” ang mabilis na sagot sa amin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Susme, kasalukuyan pa lang inaayos? May bago na namang pelikulang malapit nang ipalabas, hindi kaya matabunan o hindi na ito ma-accommodate dahil balita namin ay kasalukuyan na ring naghahanda ang KathNiel supporters sa ibang bansa ng international screening ng Barcelona.

Nakakapanghinayang kung hindi mapanood ang Camp Sawi sa ibang bansa dahil sulit ang ibabayad sa pelikulang ito.

(REGGEE BONOAN)