Justin and Britney copy

HATALA na walang anumang sama ng loob si Britney Spears sa kanyang ex na si Justin Timberlake.

Lumahok si Spears sa Q&A kasama ang kanyang fans para sa More Requested Live With Romeo noong Sabado, nang gulatin ng 34-year-old ang lahat sa pagtukoy kay Justin bilang artista na nais niyang makatrabaho. Isinali rin ng Make Me singer si Steven Tyler ng Aerosmith at Gwen Stefan sa kanyang top choices.

“Aerosmith seems really good and bright. He’s a genius, I think. And, he’s very rock n’ roll. He sings from his soul,” ani Spear, na kasamang nagtanghal ang banda noong 2001 super bowl halftime show. “Gwen Stefani -- I think she’s great.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Justin Timberlake is very good,” aniya.

Pero technically, nakatrabaho na ni Spears ang 35-year-old Mirror singer. Nagtanghal din si Timberlake sa 2001 super bowl halftime show noong miyembro pa siya ng NSYNC, at nagtanghal din ang boy band kasama si Spears sa unang niyang MTV Video Music Awards performance noong 1999.

Bagamat inamin ni Spears na hindi na niya maalala ang mga legendary performance niya kasama si Justin.

“I think I was with *NSYNC when I performed for the first time. I think the whole setup was a classroom, and my four main dancers were in the front at their desk and I came out of my locker… But you know what, I don’t remember at all,” sabi niya sa host na si Elvis Duran nang dumalo sa Elvis Duran and The Morning Show noong Lunes. “I have no recollection. I couldn’t tell you anything about it.”

Bumalik si Spears sa VMA stage sa unang pagkakaton sa loob ng siyam na taon noong Linggo para magtanghal ng sexy rendition ng Make Me. (ET Online)