Binalaan kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa walong bayan sa Bulacan sa posibilidad na malubog ang mga ito sa baha dahil sa inaasahang pagpapakawala ng tubig ng Ipo Dam.

Kabilang sa mga posibleng bahain ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy.

Tinukoy ng hydrometeorology division ng PAGASA na ang naitala nitong 100.95 meter na water level sa dam ay malapit nang umabot sa spilling level nito.

Paliwanag ng ahensiya, kung hindi magbabawas ng tubig ang dam ay posibleng mas malaki pa ang magiging pinsala nito sa malaking bahagi ng Bulacan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinisi rin ng PAGASA ang umiiral na southwest monsoon sa walang tigil na pag-ulan sa bansa. (ROMMEL P. TABBAD)