CALIFORNIA – Naitala ni Pinay golf star Princess Superal ang four-under 68 sa ikatlong round ng Stage 1 qualifying para sa LPGA Tour nitong Sabado sa Rancho Mirage dito.

Kasama ang naunang iskor na 70 sa Gary Player course at 72 sa Dinah Shore layout, tangan ni Superal ang kabuuang six-under 210, dalawang stroke ang layo sa nangunguna patungong sa final round.

Sa kasalukuyan, nasa ikapitong puwesto si Superal.

Batay sa rules, ang mangungunang 90 player sa torneo ay makakausad sa Stage 2 na gaganapin sa Oct. 20-23 sa Plantation Golf and Country Club sa Venice, Florida.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Naisalpak ng multi-titled sa Ladies Philippine Tour ang tatlong sunod na birdies mula sa No. 10 para sa matikas na kampanya.

Magkakasosyo sa liderato sina Mariah Stackhouse, Madchen Ly, Daniela Darquea, Savannah Vilaubi, at Sarah Schmelzel na may iskor na 208.

Pasok din sa Stage 2 si Pinay Regina de Guzman sa naiskor na 70 para sa sosyong ika-25 puwesto tangan ang iskor na 214.

Makakasama rin nila sa final round sina Dottie Ardina at Mia Piccio at two-time Symetra Tour winner Clariss Guce.

Nakatakda namang sumagupa si Cyna Rodriguez, nabigong makasama sa Top 80 sa LPGA Money List, sa Stage III sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 4 sa LPGA International sa Daytona Beach, Florida.