OSLO (Reuters) – Patay sa sunud-sunod na kidlat ang 323 reindeer sa isang liblib na kabundukan ng Norway, sinabi ng mga opisyal nitong Lunes.
Natagpuang magkakapatong ang bangkay ng mga hayop, at magkakabuhol pa ang sungay ng iba, kasunod ng malakas na bagyo sa Hardanger plateau sa katimugang Norway nitong Biyernes.
Karaniwan nang nagsasama-sama ang mga reindeer kapag nasa panganib, at hindi malinaw kung iisa o maraming kidlat ang nakapatay sa mga hayop.
Hindi pa batid kung ang ano ang gagawin sa daan-daang naaagnas at umaalingasaw nang bangkay, ngunit isang opsyon ang pabayaan na lamang itong mabulok sa lugar, dahil wala namang residente roon.
Mayroong 12,000 reindeer sa Hardanger at pinahihintulutan ang mga mangangaso na mamaril ng hanggang 2,000 kada taon para sa karne nito.