Agosto 29, 1922 nang iparinig ang unang radio commercial sa New York’s WEAF station, tampok ang Queensboro Corporation na nagbebenta apartment units ng Hawthorne Court sa Jackson Heights, New York.
Aabot sa $50, bukod pa sa long distance fee, ang ibinayad para sa limang araw na sponsorship. Tumulong sa pagsasahimpapawid ng commercial ang Bell Telephone Company. Noong panahong iyon, ang direct selling on air ay ipinagbabawal, gayunman, hindi binanggit ni H.M. Blackwell, representative ng kumpanya, ang presyo ng apartment unit.
Layunin ng WEAF na kumita mula sa pagbebenta ng advertisements spots.
Pinagsasama ng ibang kumpanya ang radio sponsorship at newspaper advertisement. Madalas i-promote sa radio stations ang mga produkto at serbisyo.
Aabot sa $550 ang kinita ng WEAF noong Oktubre 1922.