SONORA, Mexico (AFP) – Nabisto ng mga awtoridad ng Mexico ang isang sikretong tunnel mula hilagang kanluran ng Sonora hanggang Arizona sa United States, inihayag ng National Commission for Security noong Linggo.
Nadiskubre ang tunnel habang nagsasagawa ng inspeksyon ang Mexican police sa drainage pipe na tumatawid sa border at napansin ang pagkakaiba sa surface ng kongkreto sa isang parte nito. Matapos alisin ang ilang materyales, bumungad sa mga opisyal ang “secret excavation” ng tunnel na halos limang talampakan ang haba sa teritoryo ng Mexico at mahigit 30 metro sa US.
Kalahati ng tunnel ay sinusuportahan ng mga kahoy na biga at ang nalalabi ay ng mga lupa at bato -- “apparently in the process of construction, without an exit on the surface,” sabi ng CNS.
Madalas na nakakatuklas ang mga awtoridad sa magkabilang hangganan ng mga ganitong uri ng sekretong tunnel, na karaniwang ginagamit ng drug traffickers o undocumented migrants.