Isa umanong drug pusher, na nasa kasarapan ng pagkatulog, ang pinagbabaril at napatay sa loob ng sarili niyang tahanan sa Caloocan City nitong Sabado.

Ang biktima ay kinilalang si Joey Grabe, 35, ng Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Base sa imbestigasyon, dakong 2:48 ng madaling araw, pinasok ng dalawang armadong lalaki ang bahay ni Grabe at sunud-sunod siyang pinaputukan.

Ayon sa mga saksi, mabilis na nagsitakas ang mga armado, pawang nakasuot ng helmet, na dali-daling sumakay sa motorsiklo at humarurot papalayo.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Tinutugis na ng mga pulis ang mga taong nasa likod ng pamamaril. (Jel Santos)