ISTANBUL (AP) – Sumumpa ang pangulo ng Turkey noong Linggo na dudurugin ang mga terorista matapos ang ilang buwan ng madudugong pag-atake sa paligid ng bansa at muling binanggit na isang batang suicide bomber ang responsable sa pagpasabog kamakailan na ikinamatay ng 54 katao sa timog silangan.

Nagsalita sa rally sa Gaziantep kung saan naganap ang suicide bombing sa isang Kurdish wedding, sinabi ni President Recep Tayyip Erdogan na isa-isa nang dinadampot ng security forces ang mga terorista.

“They will all be cleansed out like a cancer cell,’’ aniya sa naghihiyawang tagasuporta. “We will find them and punish them.’’

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline