Senado na ang bahala kung ano ang kahihinatnan ni Senator Leila De Lima, at sa bandang dulo, korte na ang dedesisyon sa kanya.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matapos tumanggi ang Malacañang na ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ng Senadora na idinikit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

“It’s up to the Senate to decide the next steps for Senator Leila de Lima, because the Senate is an independent body and they have their own rules to contend with,” ani Andanar.

Plano umano ng gobyerno na sampahan ng kaso si De Lima, at iba pang sangkot umano sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“On the question if she should do that (resign), well let’s wait for the decision of the court, whether this will reach the court,” ani Andanar.

Magugunita na ilang ulit nang pinabulaanan ni De Lima ang akusasyon sa kanya ng Pangulo, kung saan kumpiyansa umano siya na walang makukuhang ebidensya ang pamahalaan dahil hindi naman siya sangkot sa droga. (Genalyn Kabiling)