Nakapag-uwi na ang Pinoy baseball team nn kampeonto sa World Series. Ngayon, target ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na makaisa sa Olympics.
Sa maaagang pagkakataon, ihahanda ng bansa ang pinakamatikas na koponan para sa 2020 Tokyo Games sa pagsabak ng Pinoy sa XI Baseball Federation of Asia (BFA) Under-18 Baseball Championship sa Agosto 30 hanggang Setyembre 4 sa Taichung, Taiwan.
Ang torneo ang gagamitin bilang bahagi ng pagsasanay ng koponan sa Tokyo Games.
Ang Philippine Baseball U18 ang inaasam na sanayin sa susunod na apat na taon para maging kinatawan ng bansa sa baseball na lalaruin sa kauna-unahang pagkakataon mula nang itigil, may isang dekada na ang nakalilipas, sa 2020 Summer Games.
Bitbit ang ranking na ika-29 sa mundo, agad sasagupain ng Pinoy batters ang dalawang mas mataas ang ranking na kalaban sa Group B na No. 3 Korea, at No. 19 China kasama ang kapwa Southeast Asian na rank 32nd na Thailand.
Ang World No. 1 Japan, host at world No. 4 Chinese Taipei, No. 25 Hong Kong, at No. 49 Indonesia ang bumubuo naman sa Group A.
Binuo ng mga coach na sina Ruben Angeles at Wilfredo Hidalgo ang 16-man team sa pangunguna ni UAAP Season 78 Season MVP at Rookie of the Year Julius Diaz ng University of Santo Tomas at papaangat na mga high school standout tulad ni Benjamin Sarmiento ng Southridge at Fausto Eizmendi mula sa Brent.
Ang PH IX ay mahigit tatlong buwan nang nagsasanay base sa nais nitong malampasan ang ikaapat na puwesto na pagtatapos noong 2014 edition sa Thailand.
Agad masusubok ang mga Pinoy batters sa unang araw ng torneo sa pagsagupa sa defending champion Korea sa Taichung Stadium. Sunod nitong sasagupain ang Thai sa Agosto 31 bago ang Chinese sa Setyembre 1.
“We’re hoping to make the semifinals,” sabi ni Angeles.